Sukdulang kinukundena ng Lucio De Guzman Command-NPA Mindoro at ng nakikibakang Mindoreño ang pamamayagpag ng mga traydor sa masa at ngayo’y mga bayarang ahente ng kaaway na sina Roselyn Galario at Job Abednego David. Walang hanggan ang galit ng mamamayang Mindoreño kina Galario at David na mga sagad-sagarin nang kaaway ng mga magsasaka, katutubong Mangyan at iba pang masang api sa Mindoro.
Isa sa wanted na traydor si Roselyn Galario na nakilala bilang Bisay, Langga at Gwen noong bahagi pa siya ng rebolusyonaryong kilusan. Nagmula si Galario sa uring magsasaka at naninirahan sa Sityo Ilihan, Barangay Bonbon, Mansalay, Oriental Mindoro. Nahaharap siya ngayon sa patung-patong na kaso sa kanyang mga krimen sa masang Mindoreño. Una, ang panghihimok sa mga masang kanyang nakilala upang sumuko habang naka-ere sa radyo. Pangalawa, pagpapatawag sa mga masa upang pilitin silang sumang-ayon sa mga proyektong pangkaunlarang inilalako ng NTF-ELCAC at saka sumuko. Tila asong tuta ng kaaway si Galario sa ginagawang pagtuturo at pagpapahamak sa mga masa. Si Galario ay nakikipagtulungan sa pasistang AFP at NTF-ELCAC sa paniniktik at sapilitang pagpapasuko sa mga nakilala niyang magsasaka at katutubong Mangyan at direkta ring nangangasiwa sa mga civilian asset. Tumatayo rin si Galario na project officer sa mga huwad na proyekto ng NTF-ELCAC sa ilalim ng Barangay Development Program sa mga bayan ng Timog Mindoro. Kasama siya sa nagpapasasa sa pondong kinukurakot mula sa mga huwad na proyektong ito. Bukod pa sa mga ito, isa rin si Galario sa mga taksil na nakikipagsabwatan sa Seventh Day Adventist upang mandahas, maniktik at sapilitang magpasuko ng mga masa.
Wanted din dahil sa pagtataksil sa mamamayang Mindoreño si Job Abednego David. Mula si David sa hanay ng mga kabataang-estudyante sa kalunsuran. Siya ay nagtapos sa kursong Fine Arts sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman sa Quezon City. Bilang estudyanteng aktibista, namulat siya sa kabulukan ng malakolonyal, malapyudal na sistema at pangangailangan na maglingkod ang mga kabataan sa masang anakpawis. Tumungo siya sa Mindoro at dito, sa isang panahon, ay kumilos sa hanay ng mga magsasaka at katutubong Mangyan bago siya mahuli sa Barangay Lisap, Bongabong, Oriental Mindoro noong Setyembre 2023. Nang mahuli at mapasailalim sa saywar ng kaaway, kusang loob na sumang ayon si David sa kumbersyon ng kaaway at nagsimulang makipagtulungan sa kanila. Isinusuka si David ng masang Mindoreño dahil sa krimen ng pagpapahamak sa mga magsasaka at katutubong Mangyan na nakasama niya sa pakikibaka. Buung-buong ibinigay niya ang mga alam niyang impormasyon sa mga ahente ng AFP at NTF-ELCAC. Habang si David ay ligtas at nagpapakasasa sa suhol na pera ng mga kaaway, nabalot naman ng takot, naligalig at bumagsak ang kabuhayan ng mga masang magsasaka at katutubong Mangyan na kanyang pinagtaksilan. Lubusan ring nagpapagamit si David dahil isa siya sa mga instruktor ng mga redtagging forum at seminar na inilulunsad ng NTF-ELCAC sa mga eskwelahan sa Oriental Mindoro. Ginugulo at pinanghihimasukan ni David ang mga eskwelahan at pagkilos ng mga kabataang-estudyante hindi lamang sa Oriental Mindoro kundi maging hanggang sa Maynila. Walang hiya niyang nire-redtag ang mga magsasaka, katutubo at estudyanteng lumalaban para sa tunay na pagbabago at sinisiraan ang rebolusyonaryong kilusan sa Mindoro alinsunod sa linya ng “terror grooming.”
Taliwas sa ipinapangalandakan ng AFP at NTF-ELCAC na sila’y nalinlang lamang ng rebolusyonaryong kilusan at ngayon ay nakita na nila Galario at David ang tamang landas, malinaw na tinalikuran nila parehas ang panatang paglingkuran ang masang api. Hindi maitatago nina Galario at David ang katotohanan na sila ay taos puso at ubos kayang itinaguyod at kinalinga ng masang Mindoreño. Kaya isang malaking kasinungalingan na sila’y nalinlang lang ng rebolusyon. Sila’y pawang mga duwag na napanghinaan ng loob sa harap ng maraming sakripisyo na natural lamang sa proseso ng pagbabago sa lipunan. Nabigo sina Galario at David na iwaksi ang pagkamakasarili at nang maharap sa sakripisyo ay pinili ang maalwan na landas ng pagkompromiso ng kanilang prinsipyo at tinalikdan ang masa. Sa kanilang pagtataksil, isinaalang-alang lang nila ang kanilang kaligtasan at walang kahiya-hiyang pinipinsala ngayon ang masang Mindoreño. Tunay na naligaw ng landas sina Galario at David nang nagsimula silang makipagtulungan sa kaaway at maglingkod sa nabubulok na sistema gayong mulat naman na sila sa tunay na kalagayan ng masang-api.
Walang pagbabagong matatamo ang masang Mindoreño sa rehimeng US-Marcos II. Patuloy na naghihirap ang mga magsasaka, mga katutubong Mangyan, mga manggagawa at iba pang aping uri at sektor sa isla. Pasan-pasan ng mamamayan ang kahirapang dulot ng kawalan ng lupa, barat na presyo ng mga kalakal at pagbagsak ng kabuhayan habang tumataas ang presyo ng mga bilihin, bulok na serbisyong panlipunan, paglala ng epekto ng mga sakuna, pagkawasak ng kalikasan dahil sa panghihimasok ng mapandambong na mga negosyo at pinabagsik na karahasan ng mga teroristang AFP-PNP-CAFGU sa isla ng Mindoro. Mulat na itinataguyod pa rin ng masang Mindoreño ang rebolusyon at taos pusong sumusuporta sa hukbong bayan dahil nakikita nila na tanging sa pagsulong lamang ng digmang bayan magwawakas ang kanilang kahirapan. Kaya naman abot-langit ang galit ng mamamayang Mindoreño sa mga taksil sa interes ng mahihirap at nagtaksil maging sa sarili nilang uri—silang mga dating kabilang sa pinakamabubuting anak ng bayan pero ngayon ay instrumento na ng mga naghaharing uri para lalong apihin at pagsamantalahan ang masa.
Sukdulang isinusuka ng rebolusyonaryong kilusan sina Roselyn Galario at Job David. Sa tamang panahon, asahan nila ang makauring paniningil ng nakikibakang masang Mindoreño.
Itakwil at kundenahin sina Roselyn Galario at Job Abednego David—mga traydor na nagpapasakit sa masang Mindoreño!
Isulong ang demokratikong rebolusyong bayan para sa tunay na hustisya, kapayapaan at pagbabagong panlipunan!
Isulong ang matagalang digmang bayan hanggang sa tagumpay!
The post Itinatakwil ng mamamayang Mindoreño ang mga taksil sa bayan na sina Roselyn Galario at Job Abednego David appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

