Si Emaren Pastidio o Ka Jandy para sa mga kasama at masang kaniyang pinagsilbihan, ay isang ina, babaeng organisador, Pulang mandirigma, at rebolusyonaryo na puspusang nakibaka para sa pagpapalaya ng mga kababaihan at buong sambayanan. Ito ay sa gitna ng patuloy na pag iral ng macho-pyudal na sistemang makikita sa iba’t ibang porma ng pang-aabuso ng naghaharing uri.

Hinarap ni Ka Jandy ang grabeng pang-aabuso sa kamay ng pasistang militar na 79th IB. Noong 2018, dinakip siya at isa pang kultural na organisador sa Escalante City, Negros Occidental at dinala sa headquarters ng militar at doon tinortyur.

Nadakip siyang muli noong 2021, panahon na siya ay bagong panganak at naka-medikal leave. Sampung araw siyang tinortyur at maka ilang ulit na ni-rape ng mga sundalo.

Samantalang ang anak niyang si Baby Marx Cairo Salino ay hawak ng NTF-Elcac at ginawang hostage para mapasuko si Ka Jandy at kaniyang asawa.

Sa kabila ng masalimuot na karanasan niya bilang isang rebolusyonaryo, walang humpay at buo ang kaniyang paninidigan na pagsilbihan ang masang magsasaka hanggang sa kaniyang pagka-martir noong Pebrero 21, 2024.

Ang pagtatag ng Kabataang Makabayan (KM)-Northern Negros sa kaniyang pangalan ay simbolo ng mataas na pagkilala ng kabataan sa norte sa kaniyang buhay at pakikibaka. Sampal ito sa paulit ulit na paggamit ng 79th IB sa kaniyang pagka-martir bilang pang hambog sa kanilang nakamit na “tagumpay.”

Ang mga bagong henerasyon ng rebolusyonaryong kabataan ang magpapatuloy ng kaniyang nasimulan. Magpupursigebang mga kabataan na dalhin pa ang digmang bayan sa mas mataas na antas, at hanggang sa tagumpay.

Mabuhay ang mga rebolusyonaryong kababaihan!

The post Pagtatag sa Kabataang Makabayan Northern Negros-Balangay Emaren Pastidio appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.