Limang taon nang nagdadalamhati ang mga kaanak at naulila ng siyam na biktima ng extra-judicial killings sa tinaguriang Bloody Sunday Massacre sa Southern Tagalog sa ilalim ng COPLAN ASVAL. Ito ang koordinadong pag-atake ng mga operatiba ng militar at pulis sa bahay at tanggapan ng mga target nila na pawang mga lider-masa at aktibista para sadyang paslangin sa bisa ng minanupakturang mga search warrant.

Madaling araw ng Marso 7, 2021, brutal na pinatay sina Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) Cavite coordinator Emmanuel “Manny” Asuncion, mag-asawang lider magsasaka at mangingisdang Ariel Evangelista at Ana Mariz “Chai” Lemita-Evangelista, myembro ng samahang maralitang-lungsod Mark “Makmak” Lee Bacasno at Melvin “Greg” Dasigao, mga magsasakang sina Abner Esto at Edward Esto, at mga lider Dumagat na lumalaban sa pagtatayo ng dam na sina Randy dela Cruz at Puroy dela Cruz.

Kasabay ng operasyong ito ang iligal na pag-aresto at pagbilanggo sa lima pang aktibista na konektado sa iba’t ibang progresibong organisasyon. Gayundin ang iligal na pagrekisa sa bahay ni BAYAN Batangas coordinator Erlindo “Lino” Baez, na kalaunan ay iligal na maaresto noong Oktubre 2021 at ikinulong. Noong Marso 2, nakalabas siya ng bilangguan matapos ibasura ng korte ang gawa-gawang kaso laban sa kanya.

Pinatunayan ng pagsapit sa ikalimang taon ng Bloody Sunday Massacre ang pamamayani ng inhustisya at kultura ng impyunidad sa bansa. Patunay nito ang pagkatig sa pagprotekta ng reaksyunaryong Korte Suprema sa estadong maylikha sa kanya, sa mga tunay na kriminal at mamamatay-taong mga pulitiko, heneral at hepe ng AFP-PNP na nagkampi-kampihan upang isakatuparan ang karumaldumal na krimen sa militanteng mamamayan.

Krimen Laban sa Sangkatauhan

Kung tutuusin, kabilang ito sa mga dapat na pagbayarang kasalanan ng tiranong si Digong Duterte na ngayo’y nakapiit sa The Netherlands dahil sa kasong crime against humanity. Isa ang Bloody Sunday Massacre sa TK sa pinagbatayan ng hatol na maysala rin si Duterte, si Marcos Jr., at US mismo sa mga krimen sa digma sa pagdinig ng International People’s Tribunal noong Mayo 2024.

Ang ikinumpas ni Duterte na COPLAN ASVAL sa ilalim ng Synchronised Enhanced Military-Police Operation (SEMPO) ay isang patakaran na katulad ng war on drugs para pakyawang inyutralisa ang mga aktibista at progresibo na inaakusahan nilang may kaugnayan sa rebolusyunaryong kilusan ng CPP-NPA. Ang pamamaraang ito ay unang sinubok at ginamit ni Duterte sa Oplan Sauron Negros at iba pang probinsya sa Visayas sing-aga ng Nobyembre 2018.

Kung gaano karami ang biktima ng Oplan Tokhang at war on drugs ni Duterte at ng kanyang mga tauhan, ganoon din ang saklaw ng krimen na kailangan niyang panagutan sa dalawa pang gyerang inilunsad nito, ang gera kontra-Moro at JCP-Kapanatagan — mga malinaw na programa para sa pagpuksa sa sangkatauhan.

Nang isabatas ang Anti-Terrorism Law, sinadyang baluktutin ang kahulugan ng makatarungang rebolusyunaryong pakikibaka ng CPP-NPA-NDFP at iba pang anyo ng lehitimong paglaban ng sambayanang Pilipino para sa kanilang pambansa at demokratikong interes. Lahat ng ito ay tinatakang akto terorismo. Ninanais ng batas na itong supilin ang anumang anyo ng paglaban ng sambayanan upang tiyaking makapanatili ang bulok na bulok na sistemang naglilingkod lamang sa US at mga lokal na naghaharing uring malalaking kumprador-panginoong maylupa at burukrata-kapitalista. Hindi na nakakapagtakang tunguhin ng mamamayan ang landas ng armadong pakikibaka para kamtin ang hustisya at patuloy na maipagtanggol ang kanilang sarili laban sa pasismo ng estado dahil hinding hindi nila makamit ang katarungan sa ligal na paraan…

Kumpas ng US ang pag-eexport ng impyunidad at pasismo

Dapat na maunawaan ng sambayanang Pilipino na ang kawalang-katarungan ng BSM ay hindi nagkataon lamang sa gitna ng paninibasib ngayon ng gera ng US sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa unang kwarto pa lamang ng 2026 ay dalawang bansa na agad ang ginera ng US, una ay ang iligal na pag-aresto kay Maduro ng Venezuela at kamakailan ay ang pataksil na pag-atake sa Iran na ikinamatay ng Supreme Leader nitong si Ayatollah Ali Khamenei at 49 pang matataas na opisyal.

Interes ng Panginoon ng Digma na si Donald Trump na matiyak ang heyopulitikal na kontrol nito sa daigdig, at hindi ligtas ang bansang Pilipinas rito. Sa malao’t madali ay makakaladkad ang bansa sa gerang mapanupil at mapanakop ng imperyalismong US.

Katunayan, ang mga bala, bomba at kanyon na ginagamit sa mga gera ng US at Israel sa Palestine, Ukraine at Iran ang katulad din ng mga bala at bombang ginamit ng AFP laban sa Mangyan sa Mindoro noong Enero na ikinasawi ng tatlong batang katutubo at ikinasugat ng kanilang ina. Ito rin ang mga bala at bombang tinetesting sa paulit-ulit at dumadalas na mga pagsasanay-militar at simulation exercises ng US at iba pang alyadong tropa nito sa karagatan at kalupaan ng Pilipinas bilang paghahanda sa gera nito sa Asia Pacific.

Sa paggunita ng mamamayan ng rehiyong Timog Katagalugan sa ika-5 taon ng pagkakapaslang sa mga biktima ng BSM, kasabay dapat ang patuloy na pamamanata para sa katarungang makakamit lamang sa paglaban. Kailangang makibaka sa lahat ng paraan ang mamamayang Pilipino para ibagsak ang bulok na gubyerno ni Marcos Jr sa kasalukuyan. Ang pakikibaka laban sa pasismo at impyunidad ay hindi lamang pagkikibaka ngayon ng sambayanang Pilipino kundi ng lahat ng aping mamamayan at bansa sa buong daigdig laban sa imperyalismo at lahat ng reaksyon. Dapat magkaisa ang lahat ng mamamayang biktima ng inhustisya, impyunidad at pasismo ng estado at ng imperyalismong US sa buong daigdig para labanan ang imperyalismo at lokal na reaksyon sa pamamagitan ng armadong paglaban na pinamumunuan ng Partido Komunista. Ito lamang ang magtitiyak ng pagbali sa gulugod ng pasismo sa sariling bansa at buong daigdig.

The post Sa ika-5 taon ng Bloody Sunday Massacre, Mailap pa rin ang Katarungan! Armadong paglaban, tanging daan upang makamit ang hustisya! appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.