Naglunsad ng protesta at talakayan ang mga balangay ng Migrante, Bagong Alyansang Makabayan, Gabriela, Anakbayan at mga alyadong organisasyon sa iba’t ibang bansa upang gunitain ang ika-40 anibersaryo ng EDSA people’s revolution noong Pebrero 25.

Sa Europe, naglunsad ng protesta sa labas ng mga embahada ng Pilipinas sa Berlin, Germany; sa Leicester Square sa London; sa Italy at The Netherlands.

Sa Australia, nagprotesta ang Filipino Australians for Justice, Accountability and Peace sa Fed Square, Victoria at sa Melbourne. Naglunsad din ng talakayan ang mga grupo sa Perth, New South Wales at Canberra.

Sa Canada, nagtipon para sa isang talakayan ang mga organisasyon sa Montreal at Quebec.

Sa US, nagprotesta ang mag grupo sa labas ng upisina ng Philippine Consulate sa Chicago at San Francisco, sa Philippine Embassy sa Washington DC at sa Los Angeles. Naglunsad ng talakayan sa San Diego, Florida, Portland at Hawaii.

Sa Hongkong, nagprotesta ang koalisyong Filipinos Against Corruption and Impunity Network Hong Kong (Fil-ACTION-HK) at iba pang organisasyon sa United Center, Admiralty noong Febrero 23 at 25, na may temang “EDSA@40: Paggunita, Pagpapanagot at Paglaban.”

“Ang EDSA People Power ay isang paalala na may kapangyarihan ang taumbayan na magpatalsik ng korap at pasistang rehimen tulad ng kay Marcos Sr. Ang pakikipagsapalaran ng halos 8,000 Pilipino na lumalabas ng bansa kada araw ay patunay na walang magandang nagawa ang mag-amang Marcos…Patuloy tayong ibinibenta ng anak na si Marcos Jr sa dayuhan habang kinukurakot ang bilyun-bilyong remitans,” pahayag ni Lai Besana, pangkalahatang kalihim ng UNIFIL-Migrante Hong Kong.

Nagpahayag ng suporta ang Migrante South Korea at Migrante Thailand, habang naglunsad ng talakayan ang Kalipunan ng Bagong Bayani-Japan at Migrante Japan noong Pebrero 23 sa Catholic Omori Church, Ota-ku, Tokyo.

The post Ika-40 anibersaryo ng EDSA, ginunita ng mga Pilipinong migrante sa iba’t ibang bansa appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.