Matapos na kusang loob na sumuko sa 201st Infantry Brigade ng Philippine Army si Genelyn Carabot-Dichoso noong April 2021, naging pangunahin na siyang salot at tagapaghasik ng disimpormasyon sa masang magsasaka ng South Quezon-Bondoc Peninsula na kanyang nilinlang at patuloy na niloloko hanggang ngayon.
Paano siya paniniwalaan at uunawain sa pagdadrama niyang ang ginawang pagsuko ay para pagbigyan ang kahilingan ng mga anak at pamilya upang magkaroon na sila ng katahimikan? Disin sana’y nanahimik na lamang at nagbuhay-sibilyan siya kung ito nga ang dahilan.
Ang noo’y masidhing muhi na nararamdaman niya sa pasistang estado sa panahong nasa kilusang magsasaka pa siya ay kinubabawan ng takot, at bandang huli ay pumihit sa matinding pagsamba hanggang pagpapagamit sa 201st Ibde para iligtas ang sarili kapalit ng pagpapahamak sa magsasakang dating pinagsilbihan at tumangkilik sa kanya.
Marapat lamang na magbigay-linaw ang rebolusyunaryong kilusan sa maruming Rekord ni Genelyn Carabot-Dichoso sa kanyang mga krimen at kasalanan sa mamamayan at kilusan sa limang taon na niyang pananalasa:
- Pangunahing krimen ni Genelyn Carabot-Dich
oso ang sistematiko at pakyawang pekeng pagpapasurender sa mahigit 50,000 kasapian ng magsasaka sa niyugan na nabubuklod sa samahang nais mabawi ang P210 bilyong pondo ng coco levy.
Pumayag si Genelyn na baligtarin ang katotohanang pinagnakawan ng pamilyang Marcos at mga kroni nito ang mga magsasaka sa niyugan sa pamamagitan ng pagkolekta sa kanila ng iligal na buwis.
Tulad ng turuang-aso si Genelyn na ikinahol ang paninira ng 201st IBde na diumano’y isang scam ang pagbawi sa coco levy fund, samantalang alam-na-alam niya ang katotohanan at maaaring kabutihang idulot nito sa magsasaka sa niyugan kung ito ay mababawi at mapapasakamay ng uring anakpawis sa kanayunan. Tinipon ng estado ang pera ng mga magniniyog mula pa noong diktadurang US-Marcos. Hindi ito napakinabangan ng mga magsasaka, at sa halip ay pinagpasasaan ng mga panginoong maylupa at burgesya komprador sa katauhan ng mga Cojuangco na nagmay-ari ng San Miguel Corporation at iba pang kroni ni Marcos Sr. Batid ng mga magniniyog kung paanong naging bahagi ng pondo ng San Miguel Corporation, na ngayon ay kopo na ni Ramon Ang, ang coco levy fund.
Kung tutuusin, mapagpasya sana ang libo-libong kasapian ng samahan para hindi makalusot sa Kongreso ang pekeng batas sa pagsasauli kuno ng pondo sa mga magsasaka. Ngayon ay parang lobong pumutok sa kalangitan ang pag-asang ito ng mga magniniyog sa nagaganap na pagpapatupad sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act.
Napasauli na ba ang coco levy? Si Genelyn lamang ang nagtagumpay dahil tuloy-tuloy hanggang ngayon ang pakinabang niya sa kinikitang pabuya ng 201st IBde.
Habang ang aping magsasaka, na ginawang pekeng surrenderee mula 2021 na hanggang ngayon ay walang tigil na na ipinapatawag ng 201st IBde para paulit-ulit na pasumpain sa kanilang pagtatatwa sa tunay nilang kilusang magbubukid at sa kabila’y pagbibigay-katapatan sa pasistang gubyeno — ay kadusta-dusta sa karampot na bigas, ilang pirasong noodles at delata na iniaabot ni Genelyn tuwing mayroon silang papulong.
Nagkakamutan ng likod ang 201st IBde at si Genelyn.
At ito ang nasa likod ng libo-libong surrenderee na iniuulat ng 201st IBde at pamahalaang panglalawigan ni Gov. Helen Tan. Mga ordinaryong magsasaka sa niyugan ang kanilang itinuring na sukong rebelde at myembro ng CPP-NPA. Ito ang tuntungan ng deklarasyong SIPS at insurgency free ng Quezon noong June 2023.
- Ang natutunan ni Genelyn sa kilusang magsasaka na paraan ng pag-oorganisa sa mamamayan ay ginamit niya para mapasunod at mapabaligtad ang naniniwala sa kanya. Astang diyos si Genelyn sa harap ng masang api gamit ang dating impluwensyang natamo bilang kinatawan ng tunay na pangmasang organisasyon ng mga magsasaka. Napakatigas ng mukha niyang gamitin ito para sa kaaway na alam na alam niya kung bakit kinamumuhian ng mamamayan.
Inuna niya ang sariling pamilya at bakuran sa pagkukumbert. At hindi lamang niya simpleng pinabaligtad kundi pinag-CAFGU niya ang karamihan sa mga lalaki niyang kapamilya at tagasunod para tiyakin na sasama sila sa mga operasyong paniktik at pangkombat ng 201st IBde.
Napakaraming masang magsasaka ang kanilang itinuro at tuwirang sinindak, bukod pa ang pagpapahuli at aktwal na pagsama para dakpin ang kanilang target. Hanggang ngayon ay maya’t-mayang nangangatok ng bahay ang mga alagad ni Genelyn para mangumbinse ng pagsuko at manakot kapag hindi nila napapayag.
Si Genelyn ay walang respeto sa mga martir ng rebolusyon lalo na sa pamangkin niyang nag-alay ng buhay para sa bayan. Kung kaya dinungisan niya ang dating napakamarangal na pagkakakila sa pamilyang Carabot sa Bondoc Peninsula sa pagiging rebolusyunaryo at mga tunay na tagapaglingkod ng sambayanan. Hindi na nga lamang niya dinungisan, kinulapulan ng putik at inilublob pa niya sa imburnal.
- Si Genelyn Carabot-Dichoso ngayon ang pinakaeksaktong larawan ng taksil sa bayan at rebolusyunaryong kilusan. Mabigat na kasalanan ni Genelyn ang pagkakanulo ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kilusang magsasaka na nagsapanganib sa buhay ng kanyang mga dating kasamahang itinuring syang higit pa sa kapamilya at kaibigan. Matapos nito ay kung anu-anong paninira ang sinasabi niya tungkol sa papel nya sa kilusang ito na sa napakahabang panahon ng kanyang buhay ay itinuring nyang siyang pinakamakatarungang hakbang para umalpas sa dinaranas na pang-aalipin at pang-aapi. Sa esensya, kinain ni Genelyn ang sariling prinsipyo at ipinagpalit sa alwan at salapi— mga bagay na kailanma’y di maitutumbas bilang kapalit sa kahayupang dinanas ng mga magsasaka at mamamayan sa Quezon.
Kukulangin ang espasyo sa haba ng listahan ng kawalanghiyaan ni Genelyn. Kailangan siyang ilantad at huwag nang tangkilikin lalo na ng masang magsasaka at anakpawis sa SQBP. Kailangang mag-ingat sa kanyang mga alagad, sila ay armado at mapanganib at nakahandang pumatay sa ngalan ng pagsunod nila kay Genelyn.#
The post Ang Mahabang Listahan ng Krimen ni Genelyn Carabot-Dichoso sa SQBP appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

