Galit at pagdadalamhati ang naramdaman ng mamamayan ng Kalinga sa pagkamartir ni Victor Daligdig alyas Ka Sid, Ka Changli. Isa siyang mahusay, matapang, matiyaga, masipag at masayang kadre ng Partido Komunista ng Pilipinas at Kumander ng New People’s Army-NPA.

Nagpapasalamat ang unit ng Lejo Cawilan Command-NPA Kalinga at buong rebolusyonaryong pwersa sa lahat ng mamamayang nakipagdalamhati, tumulong sa pag-aasikaso, naghatid kay Ka Changli sa kanilang lugar, nakipaglamay, nakipaglibing, nagbigay ng pagrespeto at rebolusyonaryong pagpupugay kay Ka Changli. Ipagpatuloy at pagtibayin ang katutubo at rebolusyonaryong kaugalian ng pagtulong at pagrespeto sa isang namayapa.

Ang pagkamartir ni Ka Changli noong ika-23 ng Nobyembre, 2025 sa Allaguia, Pinukpuk, Kalinga ay bahagi ng marahas na operasyon ng pasista-teroristang 5th ID, 503rd Brigade DRC, 103rd IB, 98th IB, 14th Coy ng SAF, 1st at 2nd Coy ng Provincial Mobile Force at yunit ng CAFGU laban sa mamamayan atrebolusyonaryong pwersa sa Kalinga.

Si Ka Changli ay lumaking mahusay ang rekord sa kanilang lugar. Napanday ang kanyang kamulatan sa loob ng isang mahirap na kalagayan. Namulat siya dahil sa kabulukan ng sistema ng lipunan. Niyakap niya ang rebolusyon at armadong pakikibaka bilang tunay na solusyon upang mawakasan ang pagsasamantala at pang-aapi ng imperyalismo at mga naghaharing uri.

Walang pagdadalawang-isip at buong-pusong tumugon si Ka Changli sa panawagan ng Partido para sa Ikatlong Kilusang Pagwawasto. Aktibo siyang nakibahagi sa mga pag-aaral upang balikan ang mga batayang prinsipyo ng Partido. Bukas siyang tukuyin at iwasto ang mga anyo ng pesimismo, empirisismo, konserbatismo at burukratismo sa kanyang sarili at sa yunit na kanyang kinapalooban.

Sa harap ng marahas na kontra-rebolusyonaryong gyera ng rehimeng US-Marcos Jr, si Ka Changli ay naging mapagtiis sa hirap at hindi natinag ang kanyang kapasyahan. Masigasig siya sa pagpapalaganap ng rebolusyon at ng Kilusang Pagwawasto sa hanay ng masa.

Ang kamatayan ng isang mabuting anak ng bayan na nanggaling sa uring pambansang minoryang pesante at tunay na rebolusyonaryo ay nagpapakita ng kahandaan ni Ka Changli sa dakila at pinakamataas na sakripisyo para sa Pambansa-Demokratikong Rebolusyon.

Salungat naman ang ipinakita ng rehimeng US-Marcos Jr—ang pagiging pasista-terorista nito. Nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan ang malawak na pagpakat ng mga pwersa ng AFP at iba pang armadong pwersa, huwad at paulit-ulit na pagpapasurender sa mga masa at dating kasapi ng NPA gayundin ng mga ipinaparatang na armas nila. Dagdag pa dito ang kanilang pangungurakot sa pondo ng Barangay Development Program (BDP).

Ang pangunahing layunin ng pahayag na “insurgency free” at “peaceful” ang probinsya(na sinimulang ideklara mula pa 2020) ay upang makaakit ng mga dayuhan at lokal na kapitalista na magnegosyo sa probinsya. Lalo pang ibinukas ng rehiming US-Marcos Jr. ang lupain at kayamanan ng probinsya upang pagkakitaan ng mga mapagsamantalang uri.

Ngunit hindi mapigilan ng karahasan ng estado at militar ang paglaban ng mamamayan at pagsulong ng rebolusyon na siyang tunay na solusyon na wawasak sa mga ugat ng kahirapan. Hindi titigil ang pakikibaka ng mamamayan habang nananatili ang bulok na sistemang malapyudal at malakolonyal. Ang galit at pagdadalamhati na nadama ng mamamayan sa pagkamatay niKa Changli ay mas higit pang magpapalagablab sa rebolusyonaryong kilusan sa Kalinga.

Mabuhay ang alaala ng mga martir!

Isulong ang Pambansa-Demokratikong Rebolusyon hanggang Sosyalismo!

Tularan ang magiting na alaala ni Ka Changli!

Sumampa sa Bagong Hukbong Bayan!

The post Hamon ng mga martir: Pursigidong iabante ang pakikibaka appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.