Naglunsad ng Oplan Pinta-Oplan Dikit (OP-OD) ang Kabataang Makabayan (KM)–Balangay Kris Montañez bilang pagsalubong sa nalalapit na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Pebrero 25.

Ayon sa balangay, ang mga kasapi ay nagpinta at nagdikit ng posters sa kahabaan ng Maynila na naglalaman ng panawagan sa kabataan na sumapi sa New People’s Army. Nagsabit din sila ng isang balatengga na may panawagan na: “Isabuhay ang rebolusyonaryong diwa ng EDSA, sumapi sa NPA.”
Layunin ng aktibidad, ayon sa balangay, na ipagpatuloy at mamutawi ang militanteng tradisyon ng KM, na isa sa mga nanguna sa malawakang pagkilos na nagpatalsik sa diktador na si Ferdinand Marcos Sr noong 1986. Iginiit ng balangay na ang paggunita sa EDSA ay hindi lamang simbolikong pag-alala kundi panawagan para sa aktibong pakikilahok ng kabataan sa digmang bayan upang buwagin ang bulok na estado.
“Panawagan ito sa kabataan na lumahok at isabuhay ang tradisyon ng Kabataang Makabayan sa pagpapabagsak sa diktaduryang Marcos sa lahat ng pagkakataon, lansagin ang mapang-abusong rehimen na umiiral, at isulong ang Demokratikong Rebolusyong Bayan para sa tunay na pagbabago,” ani Ka Ruben, tagapagsalita ng KM-Kris Montañez, nananawagan sa kabataan na kumilos higit lalo sa kasalukuyang sitwasyon, kabilang ang pagsiwalat ng korapsyon at impeachment case laban kay Ferdinand Marcos Jr.
“Ipinapahayag natin ang ibayong sigla at militanteng diwa ng kabataang rebolusyonaryo sa buong Pilipinas, na patuloy na nagbubuklod at nagkakaisa patungo sa landas ng pagtatagumpay Demokratikong Rebolusyong Bayan. Mag-aral, magpakilos, at ipagtagumpay ang Digmang Bayan sa kanayunan patungong kalungsuran. Mabuhay ang diwa ng aklasang EDSA! Mabuhay ang Kabataang Makabayan!”,pagtatapos ni Ka Ruben, tagapagsalita ng KM-Balangay Kris Montañez.
The post Oplan Pinta-Oplan Dikit, inilunsad ng KM-Balangay Kris Montañez bago ang anibersaryo ng EDSA appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

