Kinundena ng Gabriela Caloocan ang iligal na pagpasok at pagnanakaw sa kanilang upisina noong Pebrero 17. Tinangay ng mga salarin ang projector, mga polyeto na gagamitin sa anibersaryo ng EDSA sa Pebrero 25, mga delatang pagkain at iba pa. Hinalughog ng mga salarin ang upisina at ikinalat mga damit at gamit.
Unang pinasok at pinailalim sa surbeylans ang upisina ng grupo ng mga nagpakilalang mga pulis noong Oktubre 28, 2025.
Ayon sa grupo, ang insidente ay kaugnay ng militarisasyon at red-tagging ng NTF-Elcac at 12th Civil Military Operation (CMO) sa mga komunidad sa North Caloocan. Sa simula pa lamang ng taon, sunud-sunod na ang mga ulat ng surbeylans at paniniktik laban sa mga lider aktibista sa Caloocan.
Maliban sa Caloocan, ipinailalim din sa militarisasyon ang Malabon. Kasalukuyang nakahimpil ang mga sundalo sa ilalim ng 11 at 12th CMO sa mga barangay sa syudad. Nagbabase ang mga sundalo sa loob ng mga pampublikong paaralan.
Kinundena rin ng mga grupong Defend Caloocan Human Rights, Anakbayan, Panday Sining at Karapatan NCR ang reyd at pagnanakaw.
The post Reyd at pagnanakaw sa upisina ng Gabriela Caloocan, kinundena appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

