Naglunsad ng pambansang welga ang mamamayan sa US bilang protesta sa umiigting na impunidad at pasismo ng mga ahente ng Immigrations and Customs Enforcement (ICE), Customs and Border Patrol at mga ahente ng estado noong Enero 30. Tinawag ang protesta na “National Shutdown: No Work. No School. No Shopping. Stop Funding ICE.” Sa araw na iyon, panawagan nila ang para sa pagsasara ng mga eskwelahan at pagtigil ng komersyo bilang paraan ng pagkundena sa nangyayaring karahasan. Layon din ng welga na ipresyur ang pamahalaang pederal na paalisin ang mga ahente sa mga syudad at bawasan ang pondo ng ICE.
Naganap ang welga sa 50 estado at sa Washington DC. Pinakamalaki ang mga pagkilos sa Minnesota, California, Washington, Colorado, Illinois, Oregon, Utah, Arizona, at New York. Kabilang sa pagkilos ang protesta sa mga upisina ng ICE, sa paliparan at sa mga gusali ng gubyerno. Sa kabila ng napakalamig na panahon (-20°C) humugos sa lansangan ang libu-libong mamamayan ng US upang magprotesta. libu-libong estudyante sa highschool at kolehiyo, mula sa iba’t ibang syudad ang naglunsad ng walk-out at protesta sa labas ng kanilang paaralan. Ilan libong negosyo ang pansamantalang nagsara at nagpahayag ng suporta sa welga.
Ang protesta ay inorganisa ng koalisyon ng grupo ng mga aktibista na laban sa operasyon ng ICE at malawakang deportasyon sa ilalim ng rehimeng Donald Trump. Kabilang sa nag-endorso sa protesta ang Anakbayan Hawaii, Malaya Georgia, Malaya San Diego, Anakbayan San Diego, League of Filipino Students-University of California-San Diego, Defend Migrants Alliance at Migrante USA.
Inilunsad ang welga sa gitna ng umigting na karahasan sa Minnesota kung saan 3,000 ahente ng estado ang dineploy upang tugisin ang mga imigrante at maghasik ng takot sa mga mamamayan. Lumundo ang karahasan ng ICE sa pagpatay ng mga ahente nito kay Renee Goodman, isang manunulat noong Enero 7, at kay Alex Pretti, isang nars noong Enero 24. Maliban sa dalawang biktima, pinatay din ng mga ahente ng ICE sina Keith Porter, isang US citizen, noong Enero 1 sa Los Angeles at si Silverio Villegas González, isang imigrante mula Mexico, noong Setyembre 2025 sa Illinois.
Simula nang umupo sa pwesto si Trump, umabot sa mahigit 30 ang namatay habang nakadetine sa mga pasilidad ng ICE. Nitong buwan ng Enero, 9 ang naiulat na namatay. Kadalasang sanhi ng pagkamatay ay kapabayaan sa kalusugan ng mga nekadetine.
Unang naglunsad ng pangkalahatag welga ang mga residente ng Minnesota noong Enero 30. Umabot sa 50,000 ang lumahok sa protesta at mahigit 700 negosyo ang nagsara nang araw na iyon. Nasa 80,000 manggagawa mula sa Minneapolis Regional Labor Federation ang lumahok sa pagkilos.
The post Pambansang welga laban sa impunidad at pasismo ng ICE sa US, nilahukan ng mga Pilipino-Amerikanong aktibista appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

