Inambus ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Northern Samar (Rodante Urtal Command) ang nag-ooperasyong tropa ng 19th IB noong Disyembre 15, 2025 sa Barangay Poponton, Las Navas. Dalawang pasistang tropa ang napatay at may ilan pang nasugatan, habang ligtas na nakaatras ang mga Pulang mandirigma.
Bago nito, binigo ng isa pang yunit ng BHB-Northern Samar ang reyd at tangkang paglipol ng 19th IB sa kampo ng Pulang hukbo sa Barangay Gusaran, Silvino Lobos noong Disyembre 10, 2025. Isang pasistang tropa ang napatay habang isang Pulang mandirigma ang namartir sa labanan.
Samantala, iniulat rin ng pamprubinsyang kumand ang aktibong depensa nito laban sa 37-elementong yunit 19th IB na nagtangkang sumalakay noong Hulyo 22, 2025 sa kampo ng BHB sa Barangay L. Empon, Las Navas. Hindi bababa sa apat na tropa ng 19th IB ang napatay habang walang kaswalti sa yunit ng BHB.
Sa isang pahayag noong Oktubre 2025, idineklara ng 8th ID na mawawakasan na nito ang rebolusyonaryong kilusan sa buong Eastern Visayas sa pagtatapos ng 2025 sa pamamagitan ng “Paglimpyo Eastern Visayas.” Ayon kay Ka Amado Pesante, tagapagsalita ng BHB-Northern Samar, patunay ang mga armadong aksyon ng hukbong bayan na bigo ang 8th ID at rehimeng Marcos sa hibang na layuning tuluyang gapiin ang rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon at bansa.
“Ang putok ng mga nasabing aksyong militar ay nagpapatunay ng patuloy na pagbigo ng BHB sa Northern Samar sa todo-gyera ng pasistang militar,” pahayag ni Ka Amado. Dagdag niya, hindi magiging posible ang mga ito kung wala ang malalim na suporta mula sa masang magsasaka.
The post 2 tropa ng 19th IB, napatay ng BHB-Northern Samar sa ambus appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

