Matapos ang mahigit apat na taon, inabswelto ng Caloocan City Municipal trial Court Branch 49 si Rex Margallo, tagapagsalita ng Caloocan Urban Poor Coordinating Council at Convenor ng United People’s Against Corruption-Caloocan sa gawa-gawang kasong direct assault noong Enero 20.
Isinampa ang kaso laban kay Margallo noong Hunyo 2021 ni PSSG Baldev Singh Doal Jr. ng South Caloocan Police Department dahil sa pagtulong niya sa mga manininda ng barangay Bagong Silang Phase 10 na inaatake sa clearing operation ng pinagsamang PNP, barangay at lokal na gubyerno nang panahon na iyon. Nakaranas din si Margallo ng Red-tagging, sarbeylans at panggigipit matapos ang insidente. Plano ng gubyerno ng Caloocan na sapilitang pagkaitan ng kabuhayan ang mga manininda para paboran ang malalaking negosyo tulad ng Puregold at Dali.
Ayon kay Margallo, isang tagumpay para sa lahat ng aktibista at human rights defenders na kumakaharap din sa mga gawa-gawang kaso ang pagwawalang-sala kay Margallo. Patunay din ito na tama at makatwiran ang patuloy na paglaban para sa karapatang pantao.
The post Tagapagsalita ng maralitang lungsod sa Caloocan, pinawalang-sala sa gawa-gawang kaso appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

