Ipinagkaloob ng Court of Appeals (CA) ang pribilehiyo ng writ of amparo at habeas data kay Cora Jazmines, asawa ng nawawalang aktibista na si James Jazmines, noong Enero 14. Ayon sa CA, napatunayan na ang kanyang asawa ay biktima ng sapilitang pagkawala at nakaranas ng matinding paglabag sa kanyang karapatan sa buhay, kalayaan at seguridad.

Napatunayan din na responsable at may pananagutan sina AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr, dating PNP Chief Gen. Rommel Marbil, at dating CIDG Chief Gen. Nicolas Torre III, sa pagkawala ni Jazmines dulot ng kabiguan nila na gampanan ang kanilang tungkulin na maglunsad ng ekstra-ordinaryong pagsisikap para mapigilan, imbestigahan, isadokumento at bigyang resolusyon ang kaso.

Ayon sa National Union of People’s Lawyers, ang pinakabagong ligal na tagumpay ay isang mahalagang desisyon para sa katotohanan at katarungan. Gayunpaman, patuloy pa rin na nananawagan ang grupo para sa agarang pagpapalitaw kina Jazmines at kapwa niyang aktibista na si Felix Salaveria.

Si Jazmines ay isang information technology consultant at nakababatang kapatid ni Alan Jazmines, konsultant para sa kapayapaan ng National Democratic Front of the Philippines. Huli siyang nakita noong Agosto 23, 2024 sa Tabaco City, Albay. Pagkalipas ng limang araw ay dinukot din ang kanyang kaibigan na si Felix Salaveria.

The post CA, pinaboran ang petisyon para sa amparo at habeas data ng pamilya ng dinukot na aktibista sa Bicol appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.