Taas-kamaong pagpupugay sa ika-39 na taon ng Artista at Manunulat ng Sambayanan (Armas) ang ipinaaabot ng balangay ng Armas-Mithi Paglaya. Masining at puno ng mga aral ang halos apat na dekada nito mula sa mga tula awit at likhang biswal, sa ganitong pamamaraan maraming mamamayan ang napupukaw. Ang tungkulin naman ng Armas ay hindi nalilimita sa mga sining at panitikan lamang, bagkus naka ugat ito sa pagbabago ng kultura, sa mga paniniwala, at gawi.
Ngayon humaharap tayo sa kilusang pagwawasto, hinahamon tayong isakatuparan ang mithiin nito. Kaiba sa mga naunang kilusang pag wawasto dito’y walang paksyon na dapat nating usigin, ito ay tayo lamang laban sa ating mga maling gawi. Kita nating ilang taon pa lamang nang ito ay ibaba, mas sumigla ang mga pag aaral ng rebolusyonaryong kurso upang maging gabay sa araw araw nating pagkilos. Mahalaga na tayo ay tumanggap ng mga pagkakamali at hindi umasa sa mga nakasanayan, dapat itong tumagos sa lahat ng larangan nating sinasaklawan dahil ito ang sandigan ng ating pagkilos.
Kasabay nito ang mga Artista ng Bayan ay lubos ang pagpupugay sa 57 taon ng Partido Komunista ng Pilipinas na siyang nangunguna sa pagsulong ng Pambansang Demokratikong Rebolusyon sa Pilipinas kasama ang pinakamalawak na hanay ng aping sektor sa kanayunan. Ang mga nanunuot na kondisyon gaya ng korapsyon, problema sa lupa, barat na pasahod, krisis sa edukasyon, at atake sa karapatang pantao ang nagpapatibay at nagtutulak sa mamamayan na ipagpatuloy ang di matalo-talo at di magapi-gaping makauring digmaan sa kanayunan kasama ang Partido Komunista ng Pilipinas at New People’s Army.
Dapat din nating ialay ang pinakamataas na pagpupugay sa mga rebolusyonaryong artista at martir ng sambayanan na sina, Dani Pelagio sa ilalim ng nom de plume na Mithi Paglaya (kung saan hango ang pangalan ng balangay), Baby jane “Ka binhi” Orbe, Ronnel Rhay Phoeben Madrigal, Geian Carlo”Kosa” Espeña, Erickson Acosta, Kerima Tariman, at Randall Echanis. At sa lahat ng martir ng sambayanan na inialay ang kanilang kaisa isang buhay upang humawan ng landas tungo sa isang lipunan na walang pagsasamantala.
Mula rito, batid ng mga Artista at manunulat ng sambayanan kung ano lamang ang solusyon sa mga pangunahing suliranin ng lipunan gaya ng korapsyon, kahirapan, kawalan ng hustisya, at pasismo, tanging ang digmang bayan lamang ang sagot sa mga suliraning ito. Walang katumbas ang hagupit ng pasismo ng reaksyonaryong estado at tahasang pag-apak sa karapatan. Kung gayon, asahan ng rehimeng US-Marcos ang batalyong artista na sasapi sa Bagong Hukbong Bayan upang tumangan ng armas at biguin ang pangarap ng rehimeng ito.
Artista ng bayan itanghal ang sining sa mga teatro ng digma. Sumapi sa New People’S Army!
The post Pagpupugay sa ika-39 anibersaryo ng Armas appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

