Sumama ang mahigit 1,000 Pilipinong nars sa welga ng mga nars sa ilalim ng New York State Nurses Association (NYSNA) na ikinasa noong noong Enero 12 sa New York City. Bahagi sila sa 15,000 nars mula sa sampung pribadong ospital sa ilalim ng New York (Presbyterian, Mount Sinai, at Montefiore) na nagwelga sa araw na iyon.
Dahilan ng welga ang deadlock sa ilang buwang na negosasyon para sa dagdag sahod, benepisyo at proteksyon mula sa karahasan sa lugar ng trabaho.
Huling nagkaroon ng malaking welga sa syudad noong 2023. Tumigil sa pagtratrabaho ang mga nars sa Mount Sinai at Montefiore ng tatlong araw. Nagresulta ang pagkilos sa pagtaas ng kanilang sahod ng 19% sa loob ng tatlong taon.
Bagamat sabay-sabay ang welga sa mga ospital, independyente at hiwa-hiwalay na nakikipagnegosasyon ang mga unyon sa kani-kanilang mga ospital. Unang nagkaroon ng parsyal na tagumpany ang mga unyon sa Richmond University Medical Center, Northwell/ Plainview Hospital sa Long Island, Bronxcare Health System, Flushing Hospital Medical Center, Maimonides Medical Center, One Brooklyn Health Interfaith Medical Center at One Brooklyn Health Kingsbrook Jewish Medical Center, Wyckoff Height Medical Center at The Brooklyn Hospital.
Ayon sa NYSNA, habang lumalaban ang mga nars para sa karapatan ng lahat, paghihiganti, pananakot at pagpapabagal ang naging tugon ng mga upisyal ng Mount Sinai, New York-Presbytarian at Montefiore. Ipinagyayabang pa ng mga maneydsment ng mga ospital na ito ang ginastos nilang US$100 milyon para sa mag-empleyo ng mga pansamantalang kapalit na nars, sa halip na harapin ang unyon.
“Sinasabi ng Mount Sinai, New York-Presbytarian at Montefiore, ang pinakamayaman na pribadong ospital sa New York City, na hindi nila kayang maglabas ng pera para sa makatarungan na kontrata para sa kaligtasa ng mga pasyente at nars, pero may sobra silang pera para labanan ang sarili nilang manggagawa,” paliwanag ng NYSNA.
Dahil sa welga, nagdeklara ng state of emergency si Kathy Hochul, gubernador ng New York City.
The post Mahigit 1,000 Pilipinong nars, sumama sa welga ng mga nars sa US appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

