Nagpahayag ng pagkabahala ang National Democratic Front-Cagayan Valley (NDF-CV) sa pagkawala ni Scarlet Lyne Gayo, myembro ng public information team ng rehiyon. Mahigit tatlong linggo na siyang hindi nakokontak ng NDF-CV.

Ayon kay Salvador del Pueblo, tagapagsalita ng NDF-CV, naka-medical leave noon si Gayo at nakatakdang bumalik sa kanyang yunit nang mawalan ng kontak sa kanya. Huling nakita si Gayo sa Cavite noong Disyembre 9, 2025.

“Batay sa nakalap na impormasyon, nahuli si Gayo ng mga ahente ng AFP at pinipilit siya na traydurin ang kanyang mga kasamahan sa rebolusyon kapalit ng pagbasura ng gawa-gawang mga kaso laban sa kanya,” paliwanag ni Ka Salvador.

Si Gayo ay naglulunsad ng pananaliksik sa Region 2 hinggil sa epekto ng tagtuyot, bagyo at iba pang sakuna sa komunidad ng mahihirap na magsasaka bago siya nawala.

“Dapat papanagutin ang AFP at NTF-Elcac ng rehimeng US-Marcos kung sakaling si Gayo at ang kanyang pamilya ay malagay sa kapahamakan, ito paglabag sa internasyunal na makataong batas at mga protocol sa digma,” ayon kay del Pueblo.

The post Istap ng NDF-Cagayan Valley, naiulat na nawawala appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.