Lalupang iigting ang mga inter-imperyalistang sigalot sa darating na 2026, ayon sa Partido Komunista ng Pilpinas sa pahayag ng Komite Sentral nito para sa ika-57 taon nitong anibersaryo.
“Sa kasalukuyan, ang tumitinding mga sigalot sa pulitika, pinansya, ekonomya, kalakalan, at militar sa pagitan ng pinakamalaking imperyalistang bansa ang prinsipal na kontradiksyon, laluna sa harap ng walang awat na pagpapataw ng imperyalistang US ng kanyang hegemonya sa buong mundo,” ayon sa pahayag. “Ito ang prinsipal na kontradiksyon na naghuhugis ng kasalukuyang sitwasyon sa buong daigdig.”
Nagaganap na ang iba’t ibang panig ng mundo ang mga armadong sigalot sa pasimuno ng US.
“Mahigpit itong nakaugnay sa nagtagal nang istagnasyon ng ekonomya ng pangunahing mga kapitalistang bansa na hindi malutas-lutas ng monopolyong burgesya,” ayon sa PKP. Inilahad nito sa pahayag ang nagpapatuloy na krisis ng sobrang produksyon ng sistemang kapitalista na nagreresulta sa pagkawasak ng mga pwersa sa produksyon at malawakang pagdurusa ng mga manggagawa at mamamayan sa buong mundo.
Noong 2025, umabot sa $1 trilyon ang gastos militar ng US. Sa balangkas ng bagong National Security Strategy (2025) ng US (na nakatuon pangunahin sa China at Russia). Idineklara ng US ang layunin na paunlarin ang “pinakamakapangyarihan, pinakamatindi, at pinakaabante sa teknolohiya” na pwersang militar.
“Layunin diumano ng US ang ‘iwasan ang kumprontasyon,’ subalit lalo lamang nitong pinalalaki ang posibilidad na masindihan ang armadong sigalot at gera,” ayon sa PKP.
Sa ngayon, pinasisimunuan nito ang mga gera at armadong sigalot sa Venezuela, Ukraine, Palestine, Iran at marami pang iba.
The post Inter-imperyalistang mga sigalot, iigting pa sa 2026—PKP appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

