Kinundena ng Karapatan ang muling pag-aresto kay Ryan Ombrog, isa sa mahigit 200 inaresto matapos ang kilos protesta noong Setyembre 21. Muli siyang inaresto ng Valenzuela City Police Station sa kasong simple arson (panununog) noong Disyembre 18.
Ang pag-aresto ay sa bisa ng mandamyento na inilabas ng Regiona Trial Court, Branch 182 sa syudad ng Manila noong Disyembre 18. Nataon ang kanyang pag-aresto sa panahon ng kapaskuhan, kaya’t maaari lamang maiproseso ng kanyang pamilya ang kanyang pyansa sa Enero 5, sa pagbabalik sa trabaho ng mga upisina ng gubyerno.
Si Ombrog, 28, ay dating manggagawa sa pabrika sa Valenzuela. Dumalo siya sa kontra korapsyon na pagkilos noong Setyembre 21 at walang batayang inaresto ng Manila PNP. Nakalaya siya noong Oktubre 2 matapos magpyansa. Dahil sa kanyang pagkakakulong ay natanggal siya sa trabaho.
Ayon kay Ombrog, binantaan siya ng mga pulis na kakasuhan siya ng mga ito ng arson habang nakakulong noong Setyembre.
“Malinaw na pinuntirya ng mga pulis si Ombrog at ang muling pagkakulong sa kanya ay nagsasariwa ng kayang troma dulot ng kalupitan ng kapulisan at di makatarungang pag-aresto,” pahayag ni Christina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan.
“Si Ombron ay isang ordinaryong manggagagawa, hindi isang korap na upisyal. Ngayon, sasalubungin niya ang bagong taon sa kulungan dahil lamang sa nagprotesta siya laban sa korapsyon. Paano ang mga korap? Ang mga upisyal ng gubyerno at alila nila na dapat na nabubulok sa kulungan dahil sa pagnanakaw nila sa taumbayan?” dagdag ni Palabay.
Nananawagan ang Karapatan para sa pagbasura sa lahat ng kaso laban sa mga nagprotesta noong Setyembre 21. Anito, malinaw na ang mga kaso na ito ay ginagamit lamang upang ilihis ang atensyon ng publiko sa totoong isyu ng mawalakang korapsyon sa gubyerno.
The post Manggagawa na di makatwirang inaresto noong Setyembre 21, muling inaresto appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

