Iniulat ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Northern Negros (Roselyn Jean Pelle Command) na nakuha nito mula sa smartphone ng isang pulis ang impormasyon sa intelligence network ng Philippine National Police (PNP) sa North Negros. Ang selpon ay pag-aari ni PSMS Rommel Aguilar ng 1st Negros Occidental Provincial Mobile Force Company (NOCPMFC) na napatay sa armadong aksyon ng BHB.

Si Aguilar ay napatay sa engkwentro ng BHB at pulis sa Purok 5, Barangay Lagaan, Calatrava noong Disyembre 7. Nasamam sa kanya ang isang 9mm pistola, mga bala at iba pang gamit. Ang yunit ng pulis na kinabibilangan ni Aguilar ay nakasalubong ng BHB nang umaatras mula sa isang armadong aksyon sa Sityo Tagda, Barangay Dolis sa araw na iyon.

Nasilbing kumander ng platun pangmaniobra ng PMFC si Aguilar. Ang platun niya ay nakahimpil sa pasilidad ng pagkakarga ng tubo ng despotikong panginoong maylupa na si Tim Ballesteros sa Barangay Mabini, Escalante City.

Pangunahing handler din siya ng lahat ng mga operatiba, aset at impormante sa kontra-insurhensyang paniktik ng PNP sa North Negros. Marami sa kanyang aset at tauhan ay mga dating myembro ng BHB na nagtaksil at aktibong nagpapagamit sa reaksyunaryong estado.

Ayon kay Ka Cecil Estrella, tagapagsalita ng BHB-North Negros, nakuha nila ang buong impormasyon ng kontra-insurhensyang paniktik ng PNP sa saklaw ng Escalante City, Toboso at Calatrava. Mula dito, natukoy ng yunit ng BHB ang sikretong impormasyon ng mga susing aset ng pulis at listahan ng lahat ng bayarang impormante nito.

Kaugnay nito, hinimok ni Ka Cecil ang nabuking na mga aset na sumuko sa hukbong bayan at talikuran ang kanilang kontra mamamayan at kontra rebolusyonaryong gawain.

The post Impormasyon sa intelligence network ng PNP sa Negros Occidental, nakuha ng BHB-North Negros appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.