(salin ng If only I were a stone ni Mahmoud Darwish)

Wala na akong aasamin
walang kahapong lilipas, walang darating na  bukas
at ang ngayon ko’y hindi sumisikad o umaatras
walang nagaganap sa akin!
Kung sana ako’y isang bato – Sabi ko- Ay! kung sana ako’y isang bato upang ako’y pahiran ng tubig
ng luntian, dilaw – ako’y ilalagay sa isang silid na parang isang lilok, o mga pagsasanay sa eskultura
o sangkap sa pagputok ng nararapat
mula sa kahangalan ng hindi nararapat
Kung sana ako’y isang bato
Upang sa gayon ako’y umasam!

*Ang tulang ito ay isinalin ni Tey Lopez, isang manunulat, fermentation enthusiast, at rights activist mula sa Maynila.

The post Kung sana ako’y isang bato appeared first on Bulatlat.


From Bulatlat via This RSS Feed.