Pinakamataas na pagpupugay at pulang saludo ang inaalay ng Artista’t Manunulat ng Sambayanan-Baby Jane Orbe sa buhay at pakikibaka ni Jose Maria “Ka Joma” Sison, ang tagapangulong tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas. Si Ka Joma ay isang dakilang lider, dalubguro, gabay, at tanglaw ng rebolusyonaryong kilusan ng buong sambayanang Pilipino.

Sa kaniyang pagkamatay, nananatili ang buhay at mga aral na iniwan ni Ka Joma sa rebolusyong Pilipino. Malaki ang naging ambag niya sa pagkakatatag ng dakilang Partido Komunista ng Pilipinas at sa pagpapalalim ng teoryang Marxismo-Leninismo-Maoismo sa kongkretong  kalagayan ng lipunang Pilipino. Ginamit niya ito linangin na sa pamamagitan lamang ng matagalang digmang bayan mapapawi ang isang mala-kolonyal at mala-pyudal na sistemang panlipunan sa Pilipinas.

Bilang mga rebolusyonaryong manggagawang pangkultura, patuloy nating isabuhay ang mga aral na iniwan ni Ka Joma hindi lamang sa sining at kultura kundi pati ang pagbabago sa nabubulok na sistemang mala-kolonyal at malapyudal. Gawin nating huwaran ang dakilang ambag ni Ka Joma sa rebolusyon ng sambayanan.

Paghusayan nating itaas ang kamalayan ng masa sa pamamagitan ng puspusang pakikibaka mula sa kalunsuran, hanggang sa kanayunan. Gamiting patnubay ng MLM upang lumikha ng sining na nagsusulong ng Pambansa, Siyentipiko, at Pangmasang Kultura sa kabila ng umiiral na kultura ng pagsasamantala at pang-aapi.

Gamitin nating tanglaw ang mga iniwan niyang aral upang ipagtagumpay ang pambansang demokratikong pakikibaka na may sosyalistang perspektiba. Patuloy na magpukaw, mag-organisa, at magpakilos ng mga manggagawang pangkultura. Walang pag-iimbot na sumapi sa Bagong Hukbong Bayan at isulong ang rebolusyong pangkultura sa kanayunan. Gapiin ang mga kaaway at durugin ang pasistang estado sa patnubay ng Partido Komunista ng Pilipinas.

Mabuhay si Ka Joma!

Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!

Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!

Mabuhay ang Pambansang Nagkakaisang Prente!

The post Pagpupugay kay Kasamang Jose Maria Sison appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.