Nanawagan ang Migrante Thailand sa gubyerno ng Pilipinas para sa agarang paglikas ng mga Pilipinong migrante na nasa Thailand at Cambodia. Nagsimula muli ang labanan sa pagitan ng dalawang bansa noong Disyembre 9. Umabot sa 400,000 sibilyan ang inilakas mula sa Thai-Cambodia border, kabilang ang 118 Pilipinong guro.
Ayon sa grupo, dapat kumilos na ang Philippine embassy sa Bangkok at Phnom Penh at tikayin ang kaligtasan ng mga Pilipinong migrante. Dapat ding magdeploy ang gubyerno ng Pilipinas ng mga tauhan para pangisawaan ang paglikas at magbigay ng agarang suporta para sa mga migrante.
Anito, ang tumitinding tunggalian at karahasan sa pagitan ng mga bansa ay naglalagay sa mga Pilipinong migrante sa kapahamakan. Marami nang Pilipino ang nahihirapan dahil sa epekto ng krisis sa kanilang kabuhayan at kalagayan.
“Ang tunay na ugat ng krisis na nararanasan ng mga Pilipinong migrante ay hindi ang hidwaan sa pagitan ng Thailand at Cambodia, kundi ang kawalan ng hustisya sa bansa na nagtutulak sa mga Pilipino na maghanap ng trabaho sa ibang bansa. Hindi mangyayari ang krisis kung prayoridad lamang ng gubyerno ang paglikha ng trabaho at nakabubuhay na sahod, sa halip na ipagpatuloy ang siklo ng sapilitang migrasyon at korapsyon,” paliwanag ng grupo.
“Nanawagan kami sa gubyerno ng Pilipinas na tapusin ang labor export policy na nagkakalakal sa lakas paggawa ng mga Pilipino sa murang halaga. Hindi kami mananahimik habang ang ating mga kababayan ay nahaharap sa pinsala at hirap sa ibang bansa. Patuloy kaming lalaban para sa karapatan, kaligtasan at dignidad ng mga Pilipino saan man sila naroroon,” pahayag ng Migrante Thailand.
The post Agarang paglikas at proteksyon para sa mga Pilipinong migrante sa Thailand at Cambodia, ipinanawagan appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

