Matagumpay na nagiit ng mga marino na biktima ng hindi makatarungang deportasyon sa US ang kanilang karapatan at pananagutan mula sa mga manning agencies. Resulta ito ng isang dayalogo na inilunsad noong Disyembre 12 sa upisina ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Makati City. Naganap ang pulong bunga ng sama-samang pagkilos at paggigiit ng mga marino sa mga ahensya ng gubyerno na tugunan ang kanilang hinaing.

Bago ang dayalogo, nagprotesta ang mga marino sa labas ng tanggapan ng DMW kasama ang International Seafarers Action Center (ISAC), Migrante International, Concerned Seafarers of the Philippines, at Tanggol Migrante Movement.

Humarap sa dayalogo ang mga organisasyon, upisyal ng DMW at Department of Foreign Affiairs, at mga kinatawang ng manning agencies mula sa Wilhelminsen, TDG, North Sea, Anglo Eastern at CF Sharp. Hindi dumalo ang mula sa Open Sea, RCCL at Magsaysay.

Sa dayalogo, nangako ang DFA na pabbibilisin nito ang pagproseso ng bagong pasaporte ng apektadong mga marino. Nangako din ang DFA na kakausapin nito ang embahada ng Piliipinas sa Washington DC para mabigyan ng extension period ang mga marino para makapag-apila sila hinggil sa kanilang nakansela na visa. Tatanggalin din ang bayad para sa apila. Pag-aaral din ng ahensya ang paglabas ng Diplomatic Protest pagkatapos nitong aralin ang isusumiteng salaysay ng mga marino.

Dagdag dito, nangako rin ang kagawaran na magbibigay ng ligal at pinansyal na ayuda sa mga marino sa pamamagitan ng Aksyon Fund Assistance na matatanggap nila sa Disyembre 15. Nangako ang mga dumalong manning agency na bibigyan nilang muli ng trabaho ang kanilang mga marino. Ipatatawag naman ng DMW ang mga manning agencies na hindi dumalo sa pulong.

The post Mga marinong biktima ng deportasyon sa US, nailaban ang seguridad sa trabaho, serbisyo at hustisya appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.


From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.