Matagumpay na pinatawan ng parusang kamatayan ng Roselyn Jean Pelle Command-NPA, Northern Negros Guerrilla Front ang intel asset ng Philippine National Police-Calatrava at ng 79th IB si Momarlito Alingasa, 7:50 ng gabi noong Hunyo 6 sa Sitio Pison, Barangay Minautok, Calatrava.
Sa panahon ng pagnyutralisa sa kanya ay lumaban pa ito sa mga Pulang mandirigma kaya nagkapalitan pa ng putok. Nakuha sa kanya ang mga parapernalya ng iligal na droga, ID nya sa pagiging intelligence, mga pera, baril na .45 pistola, at isang magazine ng .45.


Hinatulan si Momarlito ng hukumang bayan ng parusang kamatayan dahil sa patung-patong nya na kaso sa mamamayan at sa rebolusyonaryong kilusan. Si Alingasa ay isang aktibong intel ng PNP at AFP para sugpuin ang NPA at mamamayang lumalaban para sa karapatan at rapist. Nagbebenta rin siya ng iligal na droga at isang sikat na gun-for-hire sa Calatrava.
Iilan sa mga kaso niya bilang gun-for-hire ay ang (1) pagpatay niya sa isang magsasaka sa Sitio Vergara, Barangay Bug-ang, Toboso sa mando ni Baby Lumayno, isang panginoong-maylupa; (2) harassment laban sa mga residente ng Barangay Marcello; (3) pagmasaker sa mga kalabaw ng masa sa Sitio Minauyahan, Barangay Minautok; at (4) pagpatay sa lider aktibistang kilala bilang Bador na taga Sitio Makatagak sa parehong barangay.
Ipinapakita nito na ang tunay na kunsintidor sa pagbebenta at nagpapalaganap ng iligal na droga ay ang mismong mga sundalo at kapulisan taliwas sa sinasabi ng 79th IB. Sa katunayan, mahiggpit na ipinagbabawal ng NPA ang paggamit at pagbebenta ng iligal na droga saan man dako ng bansa. Parte ng pagpapatupad ng rebolusyonaryong hustisya ang pagbibigay ng edukasyon at warning sa mga gumagamit at nagbebenta nito na naging kasangkapan lamang ng mga drug lords. Ngunit, umaabot sa punto ng pagpaparusa ang NPA kapag paulit-ulit pa rin ang krimen ng imbolbadong indibidwal at malaki na ang naging pinsala nito sa mga komunidad.
Hindi titigil ang NPA sa pagbibigay ng hustisya sa mga biktima ng berdugong naghaharing uring mapagsamantala, reaksyunaryong gobyerno at ng mersenaryong AFP at PNP.
The post Intel asset ng PNP-Calatrava pinatawan ng parusang kamatayan ng RJPC-NPA appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

