Nagprotesta sa harap ng National Intelligence Coordinating Agency sa Quezon City noong Mayo 22 ang grupong Migrante Philippines, kasama ang iba’t ibang alyadong progresibong organisasyon, upang kundenadin ang nagpapatuloy na Red-tagging at terror-tagging ng AFP kay Criselda Fiel, pambansang tagapangulo ng Migrante.
Kasalukuyang nakakalat sa prubinsya ng Isabela ang mga paskil na nag-red-tag kay Fiel gamit ang isang grupo ng militar.
Ayon sa grupo, ang mga paskil ay bahagi ng operasyong saywar ng rehimeng US-Marcos sa pangunguna ng NTF-Elcac. Sa ilalim ng National Action Plan for Unity, Peace and Development (NAP-UPD), kampanyang panunupil na inilabas ng estado, layon ng mga paninira na takutin ang mga migrante na biktima ng pang-aabuso upang hindi sila humingi ng tulong sa grupo, ilihis ang atensyon ng mamamayan at patahimikin ang diskurso sa ugat ng krisis panlipunan.
Tahasang ding nilalabag ang karapatang-tao, maging ng internasyunal na makataong batas, sa ganitong pag-redtag kay Fiel, paliwanag ng grupo.
Panawagan ng Migrante Philippines na itigil ang pasistang atake kay Fiel at sa lahat ng mga aktibista at pagpapanagot sa NTF-Elcac sa terror-tagging nito.
The post Red-tagging laban sa myembro ng Migrante Philippines, kinundena appeared first on PRWC | Philippine Revolution Web Central.
From PRWC | Philippine Revolution Web Central via This RSS Feed.

